An OFW Diary: Pagbabanta, 2nd time
ni John Leonard Monterona
4:00 ng madaling-araw, Abril 25, 2011
Saudi Arabia, Gitnang Silangan
Maganda ang gising ko mula sa mahimbing na pagtulog. Nitong nakalipas na gabi tila napagod ata ng husto ang pagal kong mata sa kakasagot ng email at pagsu-sulat ng case endorsements ng ilang kaso ng OFWs na ni-refer ng kanilang pamilya o di kaya nang nagmamalasakit na kaibigang OFW din.
Normal ko na itong ginagawa dahil di naman pwedeng talikuran na lang ang kapwa ko OFWs na may problema at humihingi ng tulong. Di daw kasi sila ina-asikaso ng mga opisyal ng embahada. Nuong una, di ako makapaniwala na mahigit pito hanggang 10 kaso ng OFWs ang tinatanggap ng grupo ko, ang aktibista at progresibong Migrante. Sa buong Gitnang-Silangan pa lamang ito. Malamang, marami pa kung isasama ang mula ibang panig ng mundo na may OFWs. Nagkalat na raw ang OFWs sa buong mundo na kahit saang sulok nito may OFWs. Tulad ko tinulak din ang mahigit 10-M OFWs ng kahirapan, walang sapat na sahod sa kabila ng tumataas na presyo ng bilihin at serbisyo at walang desenteng trabaho. Sa ganitong kalagayan, marami pang mapipilitang mag-abroad.
Di pa ako nakapagtsatsa-a -green tea ang madalas kong inumin pag-gising tuwing madaling-araw- nang biglang nag-ring ang cell phone ko. Dali-dali kong pinulot ito mula sa manipis kong kama. Pero walang numerong naitala, tuloy lang ang pag-ring ng cell phone. Ayaw ko sanang sagutin. “Baka pamilya ito ng OFW na humihingi ng tulong,” napag-isip isip ko.
“Helow, magandang umaga po,” naka-ngiting bungad ko bagamat alam kong di makikita ng nasa kabilang linya ang matamis na ngiti ko.
“Huminto ka nga sa pag-iingay mo. Masyado ka nang maingay!” mataas na boses na tila ata galit na sabi ng kausap ko sa cell phone. “Tumahimik ka nga sa isyu ng mga OFWs!”
Na-shocked ako… pero sinikap kong kumalma. “Wala pong personalan, advocacy at pagbibigay tulong lang sa mga distress OFWs,” sabi ko sa misteryosong kausap sa telepono na kagad namang pinutol ang linya bago pa man matapos ang sagot ko sa kanya.
Napa-iling na lang ako… “Ano kayang kasalanan ang nagawa ko?” natanong ko tuloy sa sarili ko at naghahanap ng posibleng sagot.
Makapag-init nga ng tubig at makapagtsa-a, utos sa sarili ko.
Ilang minuto ang lumipas, nag-ring ulit ang cell phone.
“Helow, magandang umaga po,” modulated na ang boses ko. “Ano po ang maitutulong ko,” dagdag ko baka kasi pamilya ng OFW ang tumatawag this time at humihingi ng tulong.
“Baka gusto mo ng manahimik o patahimikin ka na lang? Napaka-ingay mo!” galit na sabi ng sa kabilang linya.
Shocked ulit ako! “Sorry po.. wala po personalan at pagbibigay-tulong lang sa mga distress OFWs,” pagalit na sagot ko. Naputol ulit ang linya.
Sinikap kong tawagan ang unregistered number ng di nagpakilalang Astig na iyon, pero bigo akong makontak ito. Hindi sya iyong tumawag sakin kanina-kanina lang. Pero, nosi, nosi ba lasi? (Sino, sino ba sila?) dagdag na tanong ko sa sarili. Hindi naman pwedeng mga ripa-pips o tropa-pips or dabarkads ko sa Pinas na nagbibiro lang? Kung ganun nosi nga ba lasi (sino nga ba sila?)
Ah, na-alala ko na, hindi pa naman ako matanda para makalimutan ang unang banta.
Taong 2008, buwan ng Hunyo. mahigit 6 na buwan pa lang ako sa Saudi. Hindi pa ako maituturing na ‘Saudi boy’. Para tawagin kang ‘Saudi boy’ dapat mahigit isang dekada ka nang nag-work sa Saudi. Ang aming si Ka Mario, kasalukuyang taga-pangulo ng Migrante-Saudi Arabia chapter, ang certified Saudi boy. Mahigit 15 years lang naman sya sa Saudi and still counting! Kung sa tandang pa, may tahid na si Ka Mhar. Pero ‘young at heart’ sya huh! Peace be with you, Ka Mhar (atin-atin lang, ayaw nyang magpatawag ng Mario, dapat Mhar. He he he).
Galing ako ng Doha-Qatar nuong una. Naka-4 na taon ako duon, bago nakahanap muli ng job sa Saudi. Riyadh ang unang destinasyon ko. Nalipat ako nito ng job site last year sa Buraydah, at nitong huli sa Hail City, Saudi Arabia pa din.
Dahil Migrante naman ako, itinuloy ko ang advocacy ko at ng grupo: ang pagtulong sa mga distress OFWs, sa mga inabuso at minaltrato, hindi pinapa-sweldo at kinukulong ng kanilang amo.
Sa kalaunan, dumami na ang mga OFWs na humihingi ng tulong at sumigla ang pagtulong ng Migrante sa Saudi dahil sa suporta ng OFWs at kanilang pamilya, tuloy-tuloy ang pagtulong ng grupo sa mga distress OFWs, run away, biktima ng sexual harassment at rape.
Pero tila di naging masaya ang mga opisyal ng embahada at gobyerno sa pagtulong ng grupo. Kapag di nga naman sila umaksyon, naglalabas ang Migrante ng pahayag sa media at sinisiwalat ang kanilang pagpapabaya at di pagbibigay tulong sa mga distress OFWs.
Sa ganitong panahon ng pagsigla nang pagkilos ng grupo una kong natanggap ang banta sa buhay mula sa mga misteryosong tao.
Pananakot lang iyong unang banta, dahil wala namang nangyari sa akin. Ganito din seguro ang pangalawang banta. Harrassment lang din ito. Pero, dapat lang mag-ingat ako at ang grupong Migrante mula sa mga banta at pananakot na ito. Baka kasi seryosohin nila eh! Malay ko baka bigla nalang akong hablutin. Sampahan ng kaso at ikulong. Uso ngayon iyan sa Pilipinas, culture of impunity kahit sa ilalim ng rehimeng Aquino, pero di natin tiyak baka mauso rin dito.
Speaking of culture of impunity, bagamat wala akong eksaktong datos ng extra-judicial killings at forced disappearances, isa ang tiyak: walang-humpay ang pagdami ng mga biktima mula sa hanay ng mga social and political activists at mga mamamahayag. Mga biktimang aktibistang mangagawa, magsasaka, estudyante, pari/madre, na ang hangad ay pagbabago ng lipunan, pantay, may hustisya at tunay na kapayapaan.
Nag-ring na naman ang cell phone ko. Biglang sulyap sa relo, 5:20 a.m. na. Registered call mula sa aking butihing asawa.
“Helow? Oh musta,” sabi ko. “Si Leo, tinatanong ako kanina pa “Asan daddy ko?” misis ko.
“Kaya tinawagan kita; eto si Leo kausapin mo.”
Si Leo, pangatlo at bunso kong anak, mag-3 years old ngayon Augusto. Dalawang pagkakataon ko pa lang nakasama during my 1-month yearly vacation nuong 2009 at 2010. (end) # # #
ayos Bok muntik ako mapaluha punong puno ng aksyon ang unahan sa bandang huli biglang maalala mo kaya hehehehe. Hindi ka nag iisa bok palagi mo kaming kasama
ReplyDelete